

Bawal magnakaw ng kable
Ang pagpuputol at pagnanakaw ng kable ay labag sa batas at may karampatang parusa.
I-report ang mga pumuputol ng cable
- Ano ang intentional fiber-cutting?
- Ito ay ang sinasadyang pagnakaw at pagputol ng kable upang ibenta ang mga copper material mula dito.
- Ano ang nangyayari pag may fiber cut?
- Dahil sa fiber-cut, nakakaranas ang subscribers ng lokalidad ng malawakang pagkawala ng cable TV signal o internet connection. Samakatwid, ang illegal fiber-cutting ay maituturing ding pagnanakaw ng serbisyong kinakailangan ng inyong pamilya at pamayanan.
- May parusa ba ang intentional fiber-cutting?
- Ayon sa Republic Act 10515 (o Cable theft Bill) ang sinasadang pagsira o pagnakaw ng mga pasilidad ng mga cable TV at internet service providers ay ilegal. A ng mga mahahatulang lumabag sa batas na ito ay may parusang pagkakakulong na hindi hindi bababa sa dalawang (2) taon ngunit hindi hihigit sa limang (5) taon, o multang hindi bababa sa limampung libong piso (₱50,000.00) ngunit hindi hihigit sa isang daang libong piso (₱100,000.00) or pareho, ayon sa pasya ng korte.
- Saan pwede mag-report ng pinaghihinalaang illegal fiber-cutting activities?
- I-report ang mga illegal fiber-cutting activities sa inyong lokal na pulisya at barangay. Maaari ding mag-report sa SKY sa pamamagitan ng Report Form sa ibaba, o kay KYLA sa Viber, Facebook Messager or i-click ang "Message Us" sa website na ito.