Mga paraan para mag-refund ng unused SKYdirect Load

July 01, 2020 08:11 PM

Dear SKY Kapamilya,

Narito po ang easy steps upang makakuha ng refund para sa SKYdirect prepaid load na hindi pa nagagamit.

REFUND VIA SMS

  1. Gamitin po na pang-text ang prepaid mobile number kung saan ninyo gustong matanggap ang inyong refund in the form of prepaid telco load credits
  2. I-text ang sumusunod sa 23668:

    Para sa unused prepaid load:
    PREPAID REFUND <Box ID>
    Example: PREPAID REFUND 87654321
    Para sa unused na prepaid cards at e-PINs
    PREPAID REFUND <Card/PIN serial number> <PIN>
    PREPAID REFUND 12345678901 1234567812345678
  3. Matatanggap po ninyo ang text message na ito: “Thank you for texting SKYdirect. Ang inyong refund ay makukuha within 7 working days simula July 10, 2020. You will be notified by your telco provider on successful load transfer”.

REFUND VIA WEBSITE CONTACT FORM

Maaari ring mag-file ng request for refund sa aming website. Click here to fill up the web form.

  1. Sa web form, i-click ang EXISTING SKY SUBSCRIBER
  2. Isulat ang kumpletong impormasyon: Name, Email, Mobile Number
    Ilagay ang mobile number kung saan ninyo gustong matanggap ang telco load credit na katumbas ng SKYdirect load na hindi nagamit
  3. Sa Account Number, isulat ang inyong Box ID
  4. Sa Location, piliin ang “Other”
  5. Sa Product Category, piliin ang “Direct”
  6. Sa Product Name, piliin ang inyong existing prepaid plan
  7. Sa Transaction Type, piliin ang “Service Request”
  8. I-type ang REFUND sa message box
  9. Tapos i-click ang SUBMIT
  10. Ang inyong request for refund ay mapa-process na within 7 working days simula July 10, 2020.

Sample Web Form:

For more updates on SKYdirect, click here.

mmilamo3mql45tc24llb5cuk1j