SKYdirect, namimigay ng P100,000 kada linggo bilang pasasalamat sa higit na 1 milyong subscribers

June 18, 2019 03:34 PM

Higit isang milyong Pilipino nationwide na ang napaligaya ng mga exclusive at HD channels ng SKYdirect. Alamin ang kwento ng dalawang SKYdirect subscribers na sina Marvin at Rose.


Umiikot ang buhay ni Marvin Laparan sa paglilingkod sa kanyang amang may karamdaman.

Mula umaga hanggang gabi, laging kapiling ni Marvin ang ama na isang dating magsasaka sa Davao del Norte, para tugunan ang mga pangangailangan nito.

“Simula nung nagkasakit si Papa, ako na ang nag-aalaga sa kanya. Inaalagaan namin siya tulad ng pag-alaga niya sa amin,” ani Marvin.

Batid ni Marvin ang sakit na iniinda ng ama, kaya naman naisipan niyang magpakabit sila ng SKYdirect para hindi mainip ang ama kahit nasa bahay lang. Ngayon, nalilibang na ang tatay ni Marvin sa panonood ng mas maraming palabas tulad ng mga pelikula sa Cinema One dahil parang nanonood na rin siya ulit ng movie sa sinehan.

Mas malapit na rin ang kanilang pamilya at mas nagkaroon ng kulay ang tahanan nila dahil daw madalas nanonood sila ng telebisyon na magkakasama.

“Simula noong nag-SKYdirect kami, madalas puno ang bahay. Magaan ‘yung pakiramdam ko kasi nakikita ko silang masaya. Kahit anong problema, basta sama-sama, magiging okay kami,” paliwanag ni Marvin.


Isang working mom si Rose Andana na hangad ang magandang buhay para sa kanyang pamilya.

“Gusto ko maranasan ng mga anak ko kung paano manood ng English movies na hindi ko na-try noong bata pa ako,” ani Rose na tubong Ilagan City, Isabela.

Dahil sa pangarap na mabigyan ng magandang childhood experience ang kanyang mga anak kahit subsob sa trabaho, naisipan niyang magpakabit ng SKYdirect para magkaroon ng libangan at may mapulot ding magagandang aral sa mga palabas ang kanyang mga chikiting.

“Ang mga pinapanood ng anak kong si Ernest ay Knowledge Channel at Boomerang. Gusto rin niya ‘yung palabas na ‘Paw Patrol’ sa Nickelodeon, gusto niyang nagse-save ng people. Nakaka-amaze. Parang na-dedevelop ‘yung bata,” pahayag ni Rose.

Kahit abala si Rose sa trabaho, naghahanap siya ng panahon para magkaroon ng bonding time kasama ang mister at ang buong pamilya. Ayon kay Rose, tinatangkilik nilang mag-asawa ang panonood ng mga palabas sa Cinema One at NBA Premium.

Sama-sama naman silang pamilya nanonood ng blockbuster movies sa HBO na ayon kay Rose ay parang nag-sine na rin sila, pero hindi gumagastos.

“Kahit pagod araw-araw, marinig ko lang tawa nila, okay na,” sabi ni Rose.


Dalawa lang sina Marvin at Rose sa mahigit isang milyong nagtiwala sa SKYdirect. At bilang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng subscribers ng SKYdirect, P1 Million in total prizes ang maaaring mapalanunan.

May chance manalo ng P100,000 kada linggo ang mga prepaid at postpaid susbcribers na magre-register. Para magkaroon ng raffle entry sa promo, i-text ang REG <space> BOX ID/NAME at i-send sa 23668.

Example:  REG 87654321/Ana Cruz

Para naman sa lahat ng bagong SKYdirect subscribers, handog ng SKY ang 30-day free access sa lahat ng SKYdirect channels tulad ng ABS-CBN HD, Cinema One, PBO, HBO HD, Cartoon Network HD, Disney Channel, NBA Premium TV HD, Discovery Channel, KBS World, Nickelodeon Jr. at marami pang iba. Kusang mag-aactivate ang free 30-day access sa unang araw ng installation ng SKYdirect.

Hanggang July 7 lamang ang dalawang pasabog na promo ng SKYdirect. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa mysky.com.ph/thankyoupromo, o i-follow ang SKYdirect sa Facebook.

SKY Zone
SM Southmall, Las Pinas
SM Center, Pasig
SM Center, SM City North Edsa
Pacita Promenade, San Pedro Laguna
SKYbiz

Helping you build your business better

Learn more »